Connect with us

National News

DTI, NAGLUNSAD NG LOAN FACILITY PARA MABIGYAN NG 13TH MONTH PAY ANG MGA EMPLOYERS

Published

on

Photo: PhilNews

Naglunsad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng 13th month pay loan facility para sa mga Ministry of Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s).

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, layon nitong matulungan ang mga maliliit na negosyo para makapagbigay sila ng 13th month sa kanilang mga empleyado.

“The government wants to extend assistance to help micro and small companies hurdle the payment of 13th month pay to employees,” saad ng kalihim.

Dagdag pa ni Lopez, aabot sa 500 million pesos ang handang ipautang ng DTI para makatulong sa mga negosyante.

Bukas ang aplikasyon para sa 13th month pay loan facility hanggang sa Disyembre 7.