National News
Duterte: COVID-19 vaccine na mula Russia at China, hindi libre
HINDI LIBRE, kundi babayaran ng Pilipinas ang makukuhang bakuna kontra COVID-19 na mula China at Russia ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“This is not for free for after all they did not develop the vaccine without great expense and also the human effort involved. Bibilhin natin ‘yan,” pahayag ng pangulo sa televised address nitong Lunes.
Paliwanag pa niya kung mahal ang bakuna, makikiusap siya kina Chinese President Ci Jinping at Russian President Vladimir Putin na kung maari ay bigyan ng credit line ang Pilipinas.
“Bibilhin natin ‘yan. Kaya lang kung mahal, if it is quite expensive then I will ask the — my friend President Putin and President Xi Jinping to give us a credit, parang utang, a credit line,” saad ng pangulo.
“But we will pay not in one payment but by installments. Basta ang sinasabi ko magbayad tayo. Hindi ito libre,” dagdag pa nito.
Aniya kailangang bayaran ang bakuna dahil gumastos ang Russia at China sa paggawa nito.
Mababatid na nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na maaaring magbigay ang Russia ng libreng bakuna sa Pilipinas.
Sinabi din ng pangulo na handa din siyang magpaturok ng bakuna mula sa Russia.