Connect with us

National News

DUTERTE HINILING SA KONGRESO NA IPASA ANG MGA BATAS SA NURSING EDUCATION AT MEDICAL RESERVE CORPS

Published

on

Photo via businessmirror.com.ph

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso na ipasa ang batas ukol sa Nursing Education at Medical Reserve Corps.

“We hail our health professionals as heroes. Now is the time to pass the Advanced Nursing Education Act and the law instituting the Medical Reserve Corps,” pahayag ng pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address.

Sinabi din niya na umaasa siya sa buong suporta ng Kongreso.

Mababatid na taong 2019, naghain si Senador Bong Go ng batas na maga-amiyenda sa Philippine Act of 2002.

Samantala, ngayong taon ay naghain din si Go ng batas ukol sa pagtatag ng medical reserve corps.

Layon ng naturang batas na makatulong sa pamahalaan sa panahon ng national emergencies, para matugonan ang pangagailangan ng medical at health care.