National News
Duterte kay Robredo: “Don’t add fuel to the fire”
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos itong mag public address at maglatag ng hakbang para masolusyunan ang pandemya.
“Please do not add fuel to the fire,” tugon ng pangulo sa bise presidente.
“Ito namang kay Leni in her ending statement said kung hindi ko raw gawin, ng gobyerno, gagawin ng tao. Well sa panahon ng pandemic, medyo desperado ang mga tao tapos dagdagan ninyo ng mga ganun. Wala naman kayo base, sana may ipakita kayo,” pahayag ni Duterte sa kanyang taped address.
“Please do not add fuel to the fire. You will just destroy the government,” dagdag pa nito.
Aniya, dapat huwag nang sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao. Kapag nasira umano ang gobyerno, lulutang ang lahat.
Inihayag ni Duterte ang babala matapos ibinalita ni Robredo sa kanyang public address nitong Lunes, ang umano’y mahina na pamunuan ng gobyerno sa pagtugon sa panahon ng pandemya.
Iminungkahi ni Robredo sa gobyerno na palakasin ang public confidence at ipatupad ang isang komprehensibo, mabilis, at malinaw na plano upang harapin ang health emergency.