Connect with us

National News

Duterte muling binanatan si Pacquiao: Magtrabaho ka, ‘wag kang pa-absent-absent

Published

on

Photo: Presidential Communications

BUMANAT uli si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Manny Pacquiao na pumuna hinggil sa korupsyon sa gobyerno.

Kinuwestyon din ng pangulo ang attendance ng senador sa Kongreso.

“Bakit ngayon ka lang nagsalita at bakit umatras ka dun sa boxing fight? Kasi alam mo ‘pag matalo ka, you are a goner. Those are your inconsistencies,” pahayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng LRT 2 East Extension Project nitong Huwebes.

“Sit in Congress, finish and find out corruption. If not, you are a shit. A shit is a shit. Magtrabaho ka, do not go elsewhere… ‘Wag kang pa-absent-absent,” saad pa ng Punong Ehekutibo.

Mababatid na kabilang si Pacquiao sa mga pangalang lumulutang na tatakbo bilang presidente sa parating na eleksyon sa 2022.

Una namang inihayag ni Secretary Harry Roque Jr., na mali ang ginawang pag-atake ni Pacquiao sa Pangulo.

“Pulitika po iyan no, eh alam naman nating lahat gustong tumakbo ng presidente ni Senator Pacquiao. Sa akin po, hindi tamang istratehiya iyan kasi napakatagal naman pong nagsama si Senator Pacquiao at ni Presidente,” lahad ni Roque.

Continue Reading