National News
Duterte nagbabala sa ABS-CBN: ‘I will see to it that you are out.’
“I am sorry. I will see to it that you are out”.
Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa TV network na ABS-CBN sa kanyang naging talumpati sa Malakanyang nitong Martes.
Tiniyak ng pangulo na mawawalan ng prangkisa ang ABS-CBN sa susunod na taon.
Matatandaan na nag-ugat ang pagkainis ng pangulo sa television network dahil sa hindi aniya pag ere nito sa kanyang political advertisements noong nakaraang 2016 elections.
“Ilan kaming mga kandidato na kinuha ninyo ang pera namin. Ako, Chiz Escudero, lahat kami,” ani Duterte.
Nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 30, 2020 ngunit nakabinbin parin ngayon ang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong mag-renew sa prangkisa ng naturang network sa loob ng 25 taon.
Kakailanganin ng istasyon na ipasara ang lahat ng operasyon nito sa radyo at telebisyon sa oras na hindi maipasa bilang batas ang pagpapa-renew ng ABS-CBN.
Kaugnay nito, tiniyak ni House Speaker Alan Cayetano na magiging patas ang mga mambabatas sa gagawing pagdinig kaugnay sa nasabing isyu.