National News
Duterte nagbanta sa Facebook: ‘What’s your use in my country?’
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Facebook matapos nitong tanggalin ang “advocacy page” ng gobyerno.
Ang mga naturang accounts ay iniuugnay sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines.
“From what I have learned in the past days, na pati ang advocacy ng gobyerno tinatanggal. So what’s the purpose of you (Facebook) being here?” pahayag ng pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
Giit pa ni Duterte sa Facebook, pinapayagan ng gobyerno na mag-operate ito sa bansa sa pag-asang matutulungan din ng Facebook ang pamahalaan.
”Facebook, listen to me. We allow you to operate here hoping that you could help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country?,” saad ng Pangulo.
“Tell me kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taumbayan? [If] government cannot use it for the good of the people then we have to talk. We have to talk sense,” pahayag pa ni Duterte sa Facebook.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na posibleng lumipat ang mga tagasuporta ni Duterte sa ibang platform kasunod ng pag-shutdown ng mga pages sa Facebook.
Noong 2018, inalis din ng Facebook ang mga pages ng pro-Duterte dahil sa spam behavior.