Connect with us

National News

Duterte sa DBM: Maghanap ng pondo para sa Metro Manila Lockdown ‘Ayuda’

Published

on

Ayuda

President Rodrigo Duterte inutusan ang budget department na maghanap ng mga pondo para matulungan ang mga residente ng Metro Manila, sapagkat ililipat ito sa pinaka strikto sa 4 na lockdown sa susunod na buwan, ayon sa Malacañang kahapon.

Ang National Capital region ay isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20 para mapigilan ang pagkalat ng Delta coronavirus variant at para maproteksyonan rin ang medical system ng bansa, ayon sa Malacañang.

Inatasan ng pangulo ang budget department “to source funds” para sa ayuda, ayon kay spokesman Harry Roque.

Ang ayuda ay maaring katulad rin sa assistance na ibinigay sa 4 na lugar, na nasa ilalim ng ECQ sa kasalukuyan. Ito ay nagkakahalaga ng P1,000 kada isa sa apat na miyembro ng isang pamilya, dagdag ni Roque.

“Ang hinihingi ko lang talaga ay kumpirmasyon,” sabi niya. “Pero nakausap naman si [Budget] Secretary Wendel Avisado at ang sabi niya sa akin hahanapan at hahanapan natin ‘yan dahil ang Presidente, hindi pumapayag mag-ECQ nang walang ayuda ang mga mamamayan.”

Ang highly transmissible na Delta variant, na unang na detect sa India, ay kumalat na ng mabilisan sa halos lahat ng Southeast Asian Region.

Na-extend din ng Pilipinas ang travel ban sa mga travelers na nanggagaling sa 10 bansa, kasama rito ang India, Indonesia, Thailand, at United Arab Emirates hanggang Agosto 15 para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

Sa gitna ng paglaban sa second-worst coronavirus outbreak sa Asya, nakapagtala ang Pilipinas ng lagpas 1.57 million confirmed COVID-19 cases at lagpas 27,000 na nasawi.

Source: ABSCBN