National News
DUTERTE, SINIBAK SI PACC COMMISSIONER LUNA
Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna noong Biyernes, Abril 3, kaugnay ng pagpapaimbestiga niya sa pangangalap ng pondo ni Vice President Leni Robredo para sa mga naapektuhan ng COVID-19.
Binweltahan ni Duterte si Luna at sinabing tama si Robredo sa pangangalap ng tulong mula sa mga pribadong donors.
“Mayroon talagang taong gago. Si Leni was calling on the private sector…maghingi siya ng tulong. Tama ‘yan. Maghingi ka ng tulong sa kapwa tao,” ani Duterte.
“Ngayon may tao na abogado sa PACC commissioner, Manuelito Luna. Gusto niya paimbestiga si Leni kung bakit siya nag-solicit. Anak ka ng– Kaya nung narinig ko, sabi ko, ‘Fire him,'” he added.
Sa pamamagitan ng programa ni Robredo na Angat Buhay, nangangalap sila ng mga donasyon upang makapamahagi ng personal protective equipment para sa mga health workers, COVID-19 extraction kits para sa Research Institute for Tropical Medicine, mga pagkain para sa mga pulis at sundalo sa mga checkpoint, at libreng dormitoryo para sa mga frontliner.