Connect with us

National News

El Niño sa Pilipinas: 36 Probinysa, posibleng maapektuhan ng Tagtuyot

Published

on

El Niño

MANILA, Philippines —Maaaring maapektuhan ang suplay ng tubig, mga taniman, at kalusugan ng mga Pilipino dahil sa umiiral na El Niño sa tropical Pacific, ayon sa pahayag ng PAGASA ngayong Martes.

“Kasalukuyan tayong nakakaranas ng mahinang El Niño, ngunit may mga modelo na nagpapakita ng mataas na posibilidad na ang El Niño ay maaaring maging katamtaman hanggang sa lumakas sa huling bahagi ng taon,” ani Ana Liza Solis, pinuno ng climate monitoring and prediction section ng PAGASA, sa isang press briefing.

Ipinahayag din niya na ang El Niño ay magpapatuloy hanggang unang quarter ng 2024.

Dahil sa El Niño, malamang na bumaba ang dami ng pag-ulan na magdudulot ng tagtuyot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, 36 na probinsya ang posibleng maapektuhan ng tagtuyot at dalawang probinsya – Camarines Norte at Southern Leyte – ang maaring makaranas ng tagtuyot sa katapusan ng taon.

Sa kabila nito, sinabi ng mga meteorologist na maaari pa ring asahan ang patuloy na pag-ulan dahil sa  habagat na magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.

Sa gitna ng lahat ng ito, hinimok ng PAGASA ang mga ahensya ng gobyerno at ang publiko na magsagawa ng mga hakbang upang pangalagaan ang tubig.

Kamakailan, nag-atas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumuo ng isang team na tutugon sa potensyal na negatibong epekto ng El Niño.

Sinabi rin ng World Meteorological Organization na maaring magdulot ng panibagong pagtaas sa global heating ang El Niño at magpatuloy ang pagtaas ng mga record sa temperatura.