Connect with us

National News

Emergency fund ng TESDA, maaaring gamiting ayuda para sa OFWs na ire-repatriate mula Middle East

Published

on

Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo (FACEBOOK/ Precious Hipolito/MANILA BULLETIN FILE PHOTO)

Iminungkahi ni Quezon City Representative Precious Hipolito-Castelo sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na gamitin ang kanilang emergency funds bilang ayuda sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na mare-repatriate mula sa Middle East.

Ayon kay Castelo, maaari itong ipangtustos sa pagbibigay ng livelihood training projects ng mga uuwing OFW, upang makapagsimula ng kanilang hanapbuhay dito sa Pilipinas.

Aniya, bilang premier agency sa pagsusulong ng skills development, ang TESDA ang siyang dapat na manguna sa kampanya sa pagbibigay ng alternatibong pagkakakitaan ng mga OFW.

Aabot sa 1.2 million OFWs na nagtatrabaho sa Saudi Arabia, Qatar, Kuwait, United Arab Emirates, Oman at Bahrain ang posibleng maapektuhan ng tensyon sa pagitan ng US at Iran. – radyopilipinas.ph