National News
ENROLLMENT PARA SA SUSUNOD NA SCHOOL YEAR, MAG-UUMPISA NA SA HUNYO 1-30, 2020


Mag-uumpisa na sa Hunyo 1 hanggang 30 ang enrollment para sa susunod na school year.
Ito ang inanunsyo ni Dr. Lea Belleza, spokesperson ng Department of Education regional office 6.
Wala pang binigay na detalye ang DepEd sa kung ano ang maging proseso ng enrollment.
Nauna na ring inanunsyo ni DepEd Sec. Leonor Briones na magbubukas ang klase sa Agosto 24 pero hindi umano ito nangangahulugan na dapat pumunta ang lahat ng estudyante sa mga paaralan.
Sa mga pribadong eskwelahan naman ipinahayag ni Belleza na kahit inilipat ng DepEd na magsabay sila ng opening sa Agosto pero may mga private schools ayon sa kanya na handa umanong magbukas ng klase sa Hunyo.
Ngunit ayon sa DepEd titingnan pa rin ng ahensya ang continuity plan ng mga private schools pati na ang kanilang health protocols para masigurado ang kaligtasan ng mga estudyante.
Ayon pa kay Belleza na kahit magbukas pa ng klase ang mga private schools sa Hunyo hindi umano papayagan ang face-to-face classes bago ang Agosto 24.
Sa virtual presser ng DepEd kahapon, kinumpirma ni Sec. Briones na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang learning continuity plan ng ahensya subalit hindi umano ibig sabihin nito na matutuloy ang lahat ng mga aktibidad ng mga eskwelahan.
Ayon kay Briones magiging “blended learning” ito. Ibig sabihin kumbinasyon ng virtual, physical at distance learning.
Magtatapos naman ang 2020-21 school year sa Abril 30, 2021.