Connect with us

Iloilo News

ERC pinuri ang MORE Power sa ginawang bill deposit refund at pagkakaroon ng mababang power rate

Published

on

Pinuri ni Energy Regulatory Commission(ERC) Chairman Atty Monalisa Dimalanta ang MORE Electric and Power Corporation(More Power) sa maayos nitong pamamalakad at pagsunud sa Magna Carta for  Residential Electricity Consumers kasunud ng ipinatupad na bill deposit refund sa kanilang mga customers at pagkakaroon ng mababang power rate sa bansa.

Ayon kay Dimalanta ang ginagawa ng MORE Power ay dapat na sundan ng mga Distribution Utilities(DUs) o mga electricity provider sa buong bansa.

“We encourage this culture of accountability among the regulated entities as demonstrated by the actions of More Power on the refund and least cost supply” pahayag ni Dimalanta.

Sinabi ni Dimalanta na kung kayang gawin ng MORE Power ang ganitong maayos na sistema  ay dapat ganun din sa ibang DUs , aniya, patuloy ang ginagawang monitoring ng ERC upang matiyak ang resonableng presyo ng kuryente alinsunud sa probisyon ng RA 9136 o Electric Power and Industry Reform Act(Epira Law).

“the commission has been implementing heightened monitoring of regulated entities and this exercise is bringing to the surface the negative practices to correct as well as positive practices to promote”dagdag pa ni Dimalanta.

Sa loob ng magkakasunud na 6 na buwan ngayong taon ay  bumaba ang singil sa kuryente ng MORE Power para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City.

Ang residential rate ng MORE Power para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1  sa  P12.2990 per kilowatt-hour (kWh) mula  P13.2511 per kWh.

Positibo ang MORE Power na patuloy pa ang pagbaba ng kanilang singil sa kuryente hanggang sa pagtatapos ng taon.

Ipinaliwanag ni Niel Parcon, MORE Power vice president for corporate planning and regulatory affairs na dalawa sa naging malaking factor sa pagbaba ng presyo ng kuryente ay pagbili nila ng geothermal energy mula sa geothermal plant ng Energy Development Corp sa Leyte at ang pagbaba din ng presyo ng coal sa world market mula sa $488 per ton ay naging $200 per ton.

Matatandaan na pinasumulan din ng MORE Power ang inisyatibo na ibalik ang bill deposit ng kanilang mga “good paying customer”, nasa P5 million bill deposit ang nakatakdang ibalik ng kumpanya ngayong taon.

Ang MORE Power ay nagsimula lamang mag-operate noong 2020 matapos lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang franchise Law kapalit ng Panay.