Connect with us

National News

EX-DOH SEC. JANETTE GARIN AT 3 IBA PA PINAPAARESTO NG QUEZON CITY JUDGE

Published

on

Iniutos ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang pag-aresto kay dating Department of Health Secretary at ngayon Iloilo 1st District Rep. Janette Garin at tatlong iba pa.

Ito ay may kaugnayan sa pagkamatay ng dalawang estudyante dahil sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Hon. Jose Bautista Jr., Presiding Judge sng Branch 107 ng RTC , nakitaan niya ng probable cause ang kaso.

“The court went over the record of the case and finds that probable cause exists to issue a warrant of arrest against all accused,” pahayag ng hukom.

Si Garin ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide kasama sina Stanislas Camart, Jean Louis Grunwald at Jean Francois Vacherand ng Sanofi Pasteur Inc., na manufacturer ng Dengvaxia vaccine ay hindi pa nakalagak ng pyansa.

Karamihan sa mga akusadong kasama ni Garin ay nakabayad na ng pyansa sa Muntinlupa City Metropolitan Trial Court at iba pang korte.

Binigyan naman ng korte si Garin at tatlong iba pang mga akusado na makapagpyansa hanggang tatlong araw.

“Jurisdiction having acquired over the persons of these accused, this case is set for arraignment, pre-trial conference and preliminary conference on Nov. 27, 2020 at 2 p.m.,” dagdag pa ng hukom.

Iniutos din ng hukom na ang bail bonds ng iba pang mga respondents sa korte sa Muntinlupa City, Imus sa Cavite at iba pang korte ang makonsidera na, na filed sa Quezon City court.