Connect with us

National News

Ex-NBI Director Atty. Dante Gierran, itinalaga bilang bagong Presidente at Chief ng PhilHealth

Published

on

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating NBI Director Dante Gierran bilang bagong Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Kinumpirma ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Lunes, kasunod nang pagbibitiw sa pwesto ni General Ricardo Morales dahil sa kaniyang health condition.

Ayon kay Lorenzana, inanunsiyo ni Pangulong Duterte ang pagtalaga kay Gierran sa gitna ng pulong kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force.

Matatandaan na Pebrero ngayong taon nang mag-retiro si Gierran bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).
`
Si Atty. Gierra ay isa ring certified public accountant.

“He is a retired director of the NBI. Gierran is a lawyer and an accountant, so I think, and I told him, the next two years will be devoted to fight against corruption. Look for people we can put behind bars,” saad ni Duterte sa pulong ng Gabinete nitong Lunes.