Connect with us

National News

‘EXCESSIVE FORCE’: KASONG ADMINISTRATIBO, IKAKASA LABAN SA 5 MIYEMBRO NG CITY TASK FORCE NA UMARESTO SA STREET VENDOR SA PARAÑAQUE

Published

on

Excessive Force sa Paranaque
Larawan mula sa inquirer.net

Planong sampahan ng mga otoridad ng kasong administratibo ang limang miyembro ng city task force na marahas na nagtaboy at nanghuli sa mga ambulant vendors, ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Ayon pa sa alkalde, gumamit umano ng labis na dahas ang mga miyembro ng task force sa nasabing insidente at kaagad na sinuspinde sa kanilang mga trabaho.

“Pinabigyan ko na ng preventive suspension ang mga na-involve po dun. Ang akin pong bilin sa kanila, susunod tayo sa protocol at kailangan maximum tolerance,” ani Olivarez sa isang panayam.

Dagdag pa niya, masusuing iimberstigahan ang mga pangyayari at may posibilidad na matanggal sa trabaho ang lima.

“Hindi lang po termination, kundi magkakaroon po sila ng administrative case na ifa-file ng ating city,” ani Olivarez.

Sinabi rin ni Olicarez na nagkaroon ng “abuse of authority” sa nangyaring pang-a-aresto sa ambulant vendor na si Warren Villanueva.

“Makikita natin sa video na hindi tama yung ginawa ng task force kay Warren…Kitang kita ‘yung nangyari kay Warren: pinadapa sa kalsada, merong 5 task force members doon, binigyan pa ng posas at meron pang sumibat sa mukha. We will not tolerate this one,” sabi niya.

Ang task force umano, na itinatag limang taon na ang nakalilipas, ay kailangang nagpapatupad ng “maximum tolerance” sa kanilang mga clearing operation laban sa mga illegal na street vendors, pagtatapos ni Olivarez.

Ibinahagi pa ng alkalde ang protocol sa pagsita sa mga street vendor. “Binibigyan ng notice muna sila para magtanggal po sila ng kanilang obstruction sa kalsada… Di po pwede na kunin ang paninda. Kinakausap nang maayos na tanggalin ang obstruction sa kalsada,” sabi si Olivarez.

Continue Reading