Connect with us

National News

Face Shields, hindi na required suotin sa labas maliban sa mga crowded na lugar

Published

on

Face Shields, hindi na required suotin sa labas maliban sa mga crowded na lugar

Hindi na required mag-suot ng face shields kapag lalabas, maliban na lang kung pupunta sa mga closed at crowded na lugar, pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang taped briefing kagabi.

Sinabi ni Duterte na inaprubahan niya ang rekomendyasyon ng technical advisory group (TAG) ng Department of Health at mga medical experts na huwag ng i-require ang pagsuot ng face shields sa labas maliban lang sa mga lugar na naka-classify bilang “3Cs” (closed, crowded, close contact).

“I was informed that this TAG and medical experts on the use of face shields could be done away with outdoors. No more face shields outdoors. The only limitation on [the use of] face shield is to use them in 3Cs,” aniya, batay sa ulat ng Inquirer.

“I ordered that — if that’s the case — then I will order that we accept the recommendation. Just remember that it’s prohibited [not to wear face shields] in 3Cs. Closed, crowded, and close contact,” dagdag niya.

Ipinag-order agad ni Duterte na ma-implement ang mga guidelines para dito.

(Source: Inquirer.Net)