National News
FACE TO FACE CLASSES, POSIBLE PA RIN SA MGA LUGAR NA WALANG COVID-19 CASES
Posible pa rin na mangyari ang face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na walang COVID 19 cases kung papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at kung mag-oobserba ng health standards ang mga eskwelahan.
Ito ang inihayag ni Education Sec. Leonor Briones kahit na nagsabi ang presidente na “useless” na pag-usapan ang pagpapatuloy ng klase kung wala pang bakuna sa COVID 19.
Nitong huli nilinaw naman ng Malacanang na ang face-to-face classes ang tinutukoy ng pangulo samantalang pwede namang adaptahin ang blended learning sa pagsimula ng klase sa Agosto.
Isinuhestyon naman ni House basic education committee chair at Pasig Rep. Roman Romulo ang face-to-face classes sa mga lugar na walang confirmed COVID 19 infections katulad ng Siquijor, Siargao at iba pang mga remote islands.
Pinaboran naman ni Briones na may mga areas na walang COVID 19 cases pero kailangan umano ang pahintulot ng presidente sa pagsagawa ng face-to-face classes dahil nakapagpalabas na umano siya ng statement.
“Our motto in DepEd is ‘Learning must continue. Education must continue. ‘ Children cannot wait, education cannot wait, ” dagdag pa ni Briones.