Connect with us

National News

FACE-TO-FACE NA PANGANGAMPANYA SA ELEKSYON 2022, MAAARING IPAGBAWAL NG COMELEC

Published

on

Tinitingnan ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad na ipagbawal ang face-to-face na pangangampaniya sa eleksyon 2022 bunsod ng pandemya.

Ani COMELEC spokesperson James Jimenez, inaasahan nang magkakaroon ng “change in the campaigning landscape” sa paparating na eleksyon.

Maaaring mapalitan o pansamantalang isantabi muna ang mga dating nakagawian gaya ng pamimigay ng mga campaign materials at pakikipag-usap sa mga botante.

Hindi pa naman umano ito opisyal ayon kay Jimenez. Makikipag-ugnayan din ang COMELEC sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases hinggil dito.

Dagdag pa niya, “But certainly there will be changes in the way people do things. In a perfect world, yes, that sort of face-to-face campaigning would be strictly regulated, maybe even prohibited.”

Isa sa mga tinitingnan ay ang paghikayat sa mga kakandidato na ikonsidera ang online campaigning upang masiguro ang kaligtasan

Hinihikayat ng COMELEC ang mga kakandidato na isaalang-alang ang kaligtasan ng mga botante laban sa COVID-19. Isa sa mga maaari umano nilang ikonsidera ay ang paggamit ng online platforms sa pangangampaniya.

“It will require amending the law. That conversation is ongoing,” sagot ni Jiminez sa tanong na kung sakaling matuloy ito, isa sa mga katanungan ay kung maaari bang bigyan ng mas mahabang screen at airtime ang mga political advertisements.

Wala pa naman diumano itong opisyal na proposal, subalit nasimulan na ang pag-uusap hinggil dito.

Dagdag pa ni Jimenez, “I can’t say much about it yet but that is certainly a conversation that people are pushing. People feel that with the pandemic in full force, we are going to need more campaign minutes online but again that will require legislation.”