National News
FAMILY DAY SA MANILA TOURIST ATTRACTIONS, SUPORTADO NI YORME
Suportado ni Manila Mayor Isko Moreno ang panukala na magkaroon ng isang araw na “family day” sa mga tourist attraction ng siyudad kung saan papayagan ang mga batang edad 15 taon pababa na pumunta sa mga open spaces.
“Aprub! Of course, we want to support tourism, lalo na ngayon, domestic tourism, tayo-tayo lang ang nagpapasyalan. Wala tayong mga banyagang pumupunta rito,” ani Moreno sa isang panayam.
Ipinanukala si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na tanggalin na ang mga restriction para sa mga gustong bumisita sa Intramuros, na nagbukas na noong Pebrero 17.
Sa ilalim ng mga guidelines ng IATF, ang mga batang wala pang 15 taon at ang mga edad 65 pataas ay hindi pinapayagang lumabas ng bahay, maliban na lamang kung nangangailangan ng mga mahahalagang goods at services sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng GCQ simula pa noong Agosto ng nakaraan taon.
Sinabi ni Moreno na ang pagpapaluwag ng mga restrictions sa local tourism ay makakatulong sa restimuling pagpapasigle ng lokal na ekonomiyang pinalugmok ng pandemya.
“Pangalawa, if there’s an open space as an alternative for our people to go to, hinihikayat namin ‘yan, especially sa Intramuros, especially in Intramuros,” he said.
Matatandaang binuksan ang Intramuros noong nakaraang lingo ngunit para lamang sa mga edad 15 hanggang 65.
“Nakapagtiyaga na tayo ng 11 months. I think a few days will not harm,” dagdag pa ng alkalde.
Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang Maynila ng 27, 817 na kaso ng COVID-19 mula pa noong nag-umpisa ang pandemya. Base sa tala ng siyudad, 26,582 na ang gumaling, 802 ang patay, at 433 ang active cases ng COVID-19.