Connect with us

National News

FAMILY REUNION, CHRISTMAS PARTY AT BUFFET STYLE NGAYONG PASKO, DAPAT IWASAN — DOH

Published

on

Photo from Unsplash

NAGBIGAY NG PAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan na muna ang mga Christmas party o pag-imbita ng mga kaanak o bisita ngayong pasko.

“‘Wag na muna magkaroon ng pagtitipon-tipon…’wag na muna magkaroon ng pagpunta sa kamag-anakan this coming holiday dahil ‘yan ay napaka-risky,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

Giit pa ng DOH, may potensyal na tataas muli ang kaso ng COVID-19 kung mag-iimbita pa ng mga bisita mula sa ibang lugar o kabahayan.

Rekomendasyon ng kagawaran, mas mainam na sa sariling bahay na lang at mismong kapamilya lang ang kasalo ngayong kapaskuhan.

“Party within the household lamang,” saad ni Vergeire.

Ngunit paalala niya, kahit sa bahay lang idaraos ang party, kailangan pa ring sundin ang minimum health protocols katulad ng physical distancing.

“‘Wag na muna buffet-style na kainan,” dagdag pa ng kalihim.

“Piliin niyo po ang mga online activities gaya ng online masses, mag-video calls lang po sa mga kamag-anak at kaibigan, at maaari din mag-online shopping na lang,” ani Vergeire.

Paglilinaw naman ng DOH sa mga local at national government, dapat iwasan na rin muna ang pagsagawa ng mga outreach programs ngayong may pandemya pa.

Continue Reading