National News
Flexible Work Arrangement sa mga government employee, inaprubahan na ng Civil Service Commission
Ayon sa Approved Work Arrangement for Government Employees CSC Resolution No. 2200209, nakadepende sa bawat ahensiya ang pagpapatupad ng naturang “flexi-work” arrangement.
Kailangan din umano na siguruhing hindi maaantala ang operasyon ng mga opisina tuwing 8:00 a.m.-5:00 p.m.
Narito pa ang ilang guidelines sa pagpapatupad ng flexible work arrangement:
- Flexiplace: ang mga opisyales at manggagawa ay maaaring mag-duty sa labas ng opisina.
- Compressed work week: ang 40-oras na work week ay maaaring i-render ng empleyado sa loob ng apat na araw lamang, sa halip na nakasanayang limang araw.
- Skeleton workforce: ang minimum number ng personnel lamang ang required na mag-report sa opisina kung hindi posible ang full staffing.
- Work shifting: maaaring mag-shifting ang mga empleyadong nagtatrabaho sa mga ahensya na obligado ng batas na mag-operate 24/7 o mga ahensya na nagpapanatili ng health and safety protocols sa trabaho
- Flexitime: pinapayagan ang nga empleyado na mag-report mula 7:00 a.m. hanggang 7:00 p.m. basta makumpleto lang ang required na 40-hour work week.
Magsisimula ang implementasyon ng flexible work arrangement sa Hunyo 15, 2022.
Continue Reading