National News
Former Spox Harry Roque, kabilang sa Immigration Bulletin Lookout Order dahil sa pagkakadawit sa POGO
Kabilang si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa listahan ng 12 indibidwal na nasa Immigration Bulletin Lookout Order dahil sa pagkakasangkot umano nila sa ilegal na Philippine Ofisthore Gaming Operator (POGO).
Kasama sa listahan ang mga incorporators at corporate officers ng Lucky South 99 at Whirtwind Corporation na niraid sa Porac, Pampanga dahil umano sa posibleng violation ng anti-trafficking laws sa bansa.
Ayon sa inilabas na memorandum ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, mataas umano ang posibilidad na mangibang-bansa ang mga nasa listahan upang umiwas sa batas. Dahil umano ito sa bigat ng mga posibleng isampang kaso sa kanila, pati na rin sa kanilang exposure sa media at publiko.
Samantala, naglabas naman ng pahayag si Harry Roque at sinabing “plain harassment” ang pagdadawit sa pangalan niya sa Immigration Bulletin Lookout Order.
“This political witch hunt is intended to silence me as a critic of this Administration and I expect they will up the ante following my call, posted on Facebook, to keep Malacanang drug-free after the damning revelations of eyewitness Cathy Binag”, ani Roque.
Haharapin umano niya ang mga alegasyon tungkol sa kanya.”wil
There is no reason to leave the Philippines. I will face my accusers and answer all allegations related to offshore gaming,” dagdag pa ni Roque.
Maliban sa paglalabas ng lookout order ay magsasampa din umano ang DOJ ng Precautionary Hold Departure Order sa Office of the Executive Judge habang wala pa ang preliminary investigation.