Connect with us

National News

Freeze Order kontra Quiboloy ay KOJC assets, mas pinalawig ng CA

Published

on

Freeze Order kontra Quiboloy ay KOJC assets, mas pinalawig ng CA

Mas pinalawig ng Court of Appeals (CA) ang inilabas nitong freeze order laban sa mga bank accounts at real properties na nakapangalan kay Pastor Apollo Quiboloy at sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church.

Inanunsyo ng Anti-Money Laundering Council na extended hanggang Pebrero 6, 2025 ang freeze order at sakop nito ang media network Sonshine Media Network International pati na ang foundation para sa mga kabataan na pinapatakbo ng KOJC.

Epektibo ng 20 araw ang orihinal na freeze order na pinirmahan noong Agosto 6, 2024. Samantala, ang CA resolution na nagpapalawig ng freeze order ay pinirmahan naman noong Agosto 20, 2024.

Kinumpirma naman ni KOJC lawyer Dinah Tolentino-Fuentes ang freeze order extension ng CA.

Itinuturing pa ring pugante ng pamahalaan si Quiboloy na nagsimulang magtago noong Abril matapos maglabas ng warrants of arrest laban sa kanya ang mga korte sa Davao City at Pasig dahil sa mga kasong trafficking at abuse.

Giit ng mga abogado ni Quiboloy, recycled lamang ang mga akusasyon laban sa kanya at kagagawan ng mga dating miyembro ng KOJC na may sama ng loob sa kanya.

Kabilang si Quiboloy sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Estados Unidos dahil sa kanya umanong “participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States via fraudulently obtained visas.”

Ilang beses nang tinangka ng Philippine National Police (PNP) na mag-serve ng mga warrants laban kay Quiboloy subalit pinipigilan ito ng mga members ng KOJC sa pamamagitan ng pagra-rally. Giit nila, ginigipit lamang ng administrasyong Marcos ang pastor dahil sa koneksyon nito sa pamilya Duterte.