National News
Frontliners binigyang pugay ni Duterte ngayong National Heroes Day
PINARANGALAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong National Heroes Day ang mga Filipino Frontliners na patuloy na lumalaban sa pandemya.
Ayon sa kanya, ang kasalukuyang hamon na kinakaharap ng bansa dahil sa health crisis ay nagbigay-daan para magkaroon tayo ng “modern day heroes”.
Binanggit din ng pangulo ang mga Filipino frontliner sa ibayong-dagat na nakikipaglaban din sa pandemya.
“Present day challenges posed by the current public health crisis have given rise to modern day heroes: the countless Filipino frontliners here and abroad who are battling the COVID-19 pandemic,” pahayag ng pangulo.
Sa kanyang talumpati, hinimok niya ang bawat isa na araw-araw na maging bayani sa sariling pamamaraan.
Umaasa si Duterte na malalampasan ng Pilipinas ang kasalukuyang sitwasyon.