Connect with us

National News

‘Fundamentally Unsafe’: Sen. Revilla hindi pabor sa divider para sa mga nag-aangkas sa motor

Published

on

Image: Philippine News

Umapela si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa gobyerno na muling pag-aralan ang mga alituntunin sa pag-angkas sa mga motorsiklo.

Hindi pabor ang senador sa paglalagay ng makeshift barrier sa motorsiklo sa pagbabalik ng angkas.

Sinabi ni Revilla na nagsulat siya kay Defense Secretary at National Task Force sa COVID-19 chairman Delfin Lorenzana, aniya ang pag-install ng mga makeshift divider ay “hindi ligtas” at maaaring magdulot ng mga aksidente.

Kapag mayroon umanong angkas dapat synchronized ang bigat nito at dapat sumusunod ang angkas kung saan papaling ang bigat ng motorsiklo, dahil kung hindi posible itong sumemplang, giit pa ng senador na isa ring motorcycle rider.

Paliwanag pa nya, hindi na kakailanganin ang barrier dahil ang mga mag-asawa ay naninirahan din naman sa iisang bahay.

“The barriers will not anymore be necessary, since the couples live in the same house where they interact in the same space without masks, share utensils, and at the end of day, sleep on the same bed,” pahayag nito. Panukala pa ni Revilla, pagsuotin na lamang ang driver at ang angkas nito ng gloves, facemasks at full-faced helmets o face shields na hindi makakaapekto sa pag balanse.