Connect with us

National News

GLOBAL POTATO SHORTAGE: DA, kinumpirma na kulang ang suplay ng imported na patatas

Published

on

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na kasalukuyang kulang ang suplay ng imported na patatas na karaniwang ginagamit para sa french fries.

Ayon sa DA, mas ramdam ngayon ng mga fast food chain ang kakulangan sa patatas na nagkukulang sa buong mundo.

Rason kung bakit nililimitahan ngayon ang serving ng french fries sa ilang fast food chains at restaurants sa bansa.

“Mas nararamdaman po ‘yan sa mga fast food chains because ‘yung mga chipping potatoes po ang shortage po globally at ‘yan po ay inaangkat din po natin. Tayo po, ang ating mga magsasaka, ang itinatanim po nila ay ‘yung mga table potatoes,” paliwanag ni Agriculture undersecretary Kristine Evangelista.

Batay naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mababa rin ngayon ang suplay ng locally-produced potatoes dahil tumigil ang ilang magsasaka sa pagtanim.

“‘Yung presyo ng fertilizer di ba internationally tumaas, and of course, ‘yung fuel price tumaas. So ‘yung inputs talaga mataas, kaya ‘yung cost eh hindi kaya, hindi nila kaya,” saad ni SINAG Chairperson, Rosendo So.

Via: GMA News

 

 

 

 

Continue Reading