Aklan News
GLOBAL TOURISM, INAASAHANG SA 2023 PA MAKAKABALIK
Patuloy pa rin ang pagsadsad ng industriya ng turismo ngayong hindi pa natatapos ang pandemya.
Posibleng sa 2023 pa makababalik ang global tourism sa pre pandemic levels batay sa tourism forecast ng United Nations World Tourism Organization ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. sa panayam ng Radyo Todo kaninang umaga.
Kaya ngayon ay umaasa lang ang industriya sa domestic tourism na humina na rin dahil sa mga travel restrictions sa NCR na isa sa mga pinakamaraming pinanggagalingan ng turista.
Binanggit rin nito na pinauubaya nila sa LGU at health experts ang desisyon ukol sa pag lockdown sa buong isla dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases.
Nasa LGU na rin umano ang desisyon kung tatanggalin nila ang negative RT-PCR test requirement sa mga turista na nais magbakasyon sa Boracay mula sa Western Visayas.