Connect with us

National News

Gobyerno sinimulan na ang pagimbestiga sa ang mga ‘vaccine hoppers’

Published

on

Vaccine hoppers

Sinimulan na ng gobyerno ang pagiimbestiga sa mga “vaccine hopping” incidents, na kung saan ang isang indibidwal ay nakakakuha ng pangatlong bakuna o booster shot.

Tinutukoy rito ni Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, ang mga nag-register para magpabakuna sa iba’t-ibang lugar para makakuha ng higit pa sa two shots.

Sinigurado niya na hahabulin ng task force ang mga “vaccine hoppers.”

“Vaccine hopping is illegal and vaccine hoppers are immoral,” sabi ni Galvez noong Sabado.

“All vaccines are considered as valuable as gold. These should not be wasted because we want all Filipinos to be vaccinated,” sabi niya.

Binalaan ni Galves ang mga hoppers sa paggamit ng mega vaccination facilities. Tulad ng Nayong Pilipino, na pinonduhan ng Foundation of International Container Terminal Services Inc., na kung saan tumatanggap sila ng mga residente galing sa kahit anong lungsod o probinsya.

“It’s unfortunate that some Filipinos in far-flung areas have yet to receive their first doses, while these vaccine hoppers already have third doses or boosters,” wika ni Galvez sa Filipino.

Ito ay pagkatapos ng ulat tungkol sa double-inoculate scheme sa Quezon City, kasangkot rito ang isang tao na inaangking nakatanggap ng booster shot gamit ang Moderna vaccine noong nakaraang linggo.

Ayon sa kaniya, natanggap na niya ang second dose ng Sinovac vaccine sa Mandaluyong City noong Mayo.

Pahayag naman ng Quezon City government, kinasuhan na nila ang dalawang indibidwal na naiulat na nakatanggap ng booster shots, na pinagbabawal parin sa bansa dahil sa kakulangan ng mga bakuna at dahil rin sa kakulangan ng ebidensya sa efficacy ng boosters.

Noong Hulyo, si San Juan City Rep. Ronaldo Zamaro, inamin na nabakunan siya laban sa COVID-19 ng apat na beses. Ang unang two doses ay naibigay sa kaniyang noong Disyembre noong nakaraang taon, tatlong buwan bago masimulan ng bansa ang vaccination rollout.

Ayon sa Department of Health, entitled si Zamora sa booster shot dahil siya ay may “serious comorbidities.”

Source: ManilaTimes.Net

Continue Reading