Connect with us

National News

GOGGLES KAPALIT NG FACE SHIELD? — DOH

Published

on

Photo: Unsplash

NIREKOMENDA ng opisyal ng Department of Health ang pagsuot ng goggles kapalit ng face shield bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa kanilang pinag-usapan ang pag-rekomenda ng goggles at double face masks.

“Iyan talaga ang direction ng paguusap. Primarily kaya natin minandate na ang face shields ay gamitin natin for us to protect our eyes because there are evidence to state na ang COVID-19 can also penetrate ang eyes natin at pwede tayo maimpeksyon,” pahayag ni Vergerie sa media briefing.

“Pinaguusapan lahat ito, the possibility of these goggles and the others, nandyan po iyan,” lahad pa ng opisyal.

Magsusumite pa ang DOH ng updated recommendation sa paggamit ng face shield sa Inter-Agency Task Force ngayong Huwebes.

(With reports from: CNN Philippines)