Connect with us

National News

Guidelines sa filing ng Certificate of Candidacy simula Oktubre 1-8, 2021

Published

on

Guidelines sa filing ng Certificate of Candidacy

Ngayong araw na, Oktubre 1, magsisimula ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa 2022 elections.

Magtatagal ito hanggang Oktubre 8.

Narito ang ilan sa mga mahahalagng paalala mula sa COMELEC:

* Personal ang pag-file (either ang candidate o ang kanyang authorized representative) simula Oktubre 1-8, alas 8am hanggang 5pm.
* Hindi pwedeng online ang pag-file ng COC
* Para sa mga kandidato sa pagka-senador, presidente at bise-presidente, tatlong katao ang pwedeng isama
* Para naman sa mga natitirang posisyon, dalawang katao lang ang pwedeng isama
* Para sa party-list groups, ang authorized representative lang ang pwedeng isama

Ang mga susunod naman ang required na magdala ng negative RT-PCR test result:

* Ang mga tatakbo sa pagka-presidente, bise-presidente at senador
* Authorized representative ng aspirants
* Chairperson, presidenr, secgen, o authorized representative ng political party, sectoral party, organization o coalition ng party-list system
* Comelec personnel na incharge sa pagtanggap ng COCs at CONAs
* Security personnel mula sa Comelec, police at military
* Mga myembro ng media na magko-cover ng event

Narito naman ang specific health protocols:

* Proper wearing ng face masks at face shield sa lahat ng pagkakataon
* Proper sanitation ng kamay at pagtapak sa foot bath
* Magdala ng sariling ballpen
* Mandatory temperature checks
* Dapat tapusin ang pag fill-in ng health declaration forms

May mga COVID-19 marshals na idi-deploy sa COMELEC offices. Sila ang mag-iipon ng health declaration forms at sasaway sa mga lumalabag sa health protocols.

Walang voter registration simula Oktubre 1-8 dahil hindi ito pwedeng isabay sa pag-file ng COC.

Continue Reading