Connect with us

National News

Halos 16K na kaso ng cybercrime nairecord mula Enero hanggang Agosto 2023

Published

on

NAKAPAGTALA ng 16, 297 na kaso ng cybercrime ang Philippine Nation Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Mula sa nasabing bilang,  4, 092 ang narescue na mga biktima ng operasyon sa droga at human trafficking samantalang nasa 397 indibidwal naman ang naaresto.

Ayon sa PNP, kabilang dito ang kasong “exploitation” sa Non-Fungible Tokens (NFTs), cryptocurrencies at online casinos.

Nakapag-secure naman ang PNP ng 19 warrants to search, seize at examine computer data, nakapagsilbi ng 214 na warrants at nagsagawa ng 140 entrapment operations.

Sa ngayon ay may 24 na kaso pa ang patuloy na ini-imbestigahan kasama ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.