Connect with us

National News

Halos Kalahati ng mga Filipino nagsasabi na ang kanilang quality of life “got worse” -SWS

Published

on

got worse

Halos kalahati ng mga Filipinos sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ay nagsasabi na lumala o “got worse” ang quality of life nila kumpara noong isang taon.

Isinagawa ang survey noong June 23 hanggang 26, kung saan 1,200 adult Filipinos ang nakapanayam ng SWS in person.

Pinapakita ng survey na 49% ng mga Filipino ang nagsasabi na ang quality of life nila ay nag-deteriorated habang 33% naman ay nagsasabi ang kanilang buhay ay pareho lamang o “stayed the same.”

Samantala, 18% ay nagsasabi ang kanilang quality of life “got better” o kung tawagin ay mga “gainers.”

Tumaas ang net gainers sa Metro Manila mula “catastrophic” (-50) noong Mayo, naging “very low” (-30) nitong Hunyo at sa Luzon naman sa labas ng Metro Manila ay mula “extremely low” (-42), ngayon naging “low” (-27) na.

Pinapakita rin ng trend ang “continuing recovery from the catastrophic levels of -78 in May 2020, -72 in July 2020 and -76 in September 2020,” ayon sa pollster.

Ngunit sa Visayas at Mindanao, bumaba ito mula “very low” (-38), ngayon naging “extremely low” (-40) na sa Visayas at mula “low” (-25) na naging “very low” (-31) naman sa Mindanao.

Samantala, 37% ng mga respondents naniniwala mag-iimprove ang kanilang quality of life sa susunod na 12 buwan, habang 7% naman ang nagsasabi lalong lalala ang kanilang buhay at 42% ay nagsasabi na magiging pareho lang.

Ang natitirang 14% ay hindi nagbigay ng sagot.

Ito’y nag-resulta ng +30 net personal optimism score, kung saan ito’y mas mataas ng 6 points kumpara noong Mayo 2021, pero mas mababa ng 5 points noong Nobyembre 2020.

Sa Mindanao naman ang net optimism score nila ay mula “high” (+26) noong Mayo, naging “high” (+24) nitong Hunyo, wala naman pagbabago ang score ng Visayas at nanatiling “fair” (+15).

Source: Inquirer.Net, ManilaTimes