National News
Hanging bridge sa Bulalacao, Oriental Mindoro, nag-collapse; pari at ilang mga bata, nahulog
Nahulog sa tubig ang isang pari kasama na ang ilang bata at kanilang magulang nang bumigay ngayong Lunes ng umagq ang hanging bridge sa Tabuk, Barangay Poblacion, Bulalacao, Oriental Mindoro.
Sa isang Facebook post na inilabas ng Bulalacao Public Information, sinabi nila na binibinyagan ng parish priest na si Fr. Allan Fallaria, ang ilang mga kabataan kasabay ng fiesta sa Sitio Tabuk nang mag-collapse ang tulay.
Ayon kay MDRRMO Incident Commander Engr. Moses Osorio, naputol umano ang kable na pinagtatalian ng hanging bridge, dahilang upang tumagilid ito mahulog ang nasa 20 indibidwal na nasa tulay.
Agad namang rumesponde ang MDRRMO BULALACAO at kinordonan ang tulay upang pansamantalang isara ito at walang makadaan dito.
Ayon sa tanggapan, bahagya lamang na nasaktan ang pari at ang mga bata at kanilang magulang.
“Sa patnubay ng maykapal wala namang nasawi o nasugatan sa aksidenti…Agad namang rumisponde ang MDRRMO BULALACAO at kinordonan ang tulay upang walang maka daan pansamantala dito.Sa ngaun balik sa dating gawi ang pag tawid sa Tabuk sa pamamagitan ng Bangkero,” saad ng Bulalacao Information Office.
Nauna nang nasira ang hanging bridge nang bayuhin ito ng bagyong “Ursula” noong 2019. Ito ang itinuturong dahilan kung bakit wala na sa orihinal na tibay ang kable ng naturang tulay