Connect with us

National News

HARRY ROQUE, BIGONG MAKAKUHA NG PWESTO SA INTERNATIONAL LAW COMMISSION

Published

on

Bigo si Malacanang Spokesperson Harry Roque sa kanyang kampanya na maitalagang miyembro ng International Law Commission (ILC).

Mula sa 190 na member-states ng United Nations, 87 lamang ang bumoto pabor sa pagkakaluklok ni Roque sa ILC.

Ang presidential spokesperson umano ang nakakuha ng pinakamababang boto sa bloc na kinabibilangan ng Pilipinas. Ang ibang mga nominado ay nakakuha ng higit sa 150 na boto kada isa.

Samantala, pinasalamatan naman ni Roque sa social media ang mga taong tumulong sa kanyang “challenging campaign.”

“My candidature at the ILC was a challenging campaign throughout but we met it head on. Unfortunately, we did not succeed. I thank President Rodrigo Roa Duterte, for his nomination and unwavering support of my candidature,” tweet niya.

Pinasalamatan din niya ang mga kawani ng Philippines’ Permanent Mission to the United Nations, Department of Foreign Affairs, pati na ang kanyang mga staff para sa kanilang dedikasyon at propesyunalismo.

“I thank my own staff for helping me continue to discharge my function as presidential spokesperson, even as I campaigned, and despite the difference in time zones. Thank you, my family and friends,” dagdag pa niya.

Hiniling  din ni Roque ang tagumpay ng mga bagong-halal na miyembro ng ILC lalo na sa kanilang pagtalakay ng mga mahihirap na isyu katulad ng pagtaas ng sea level at vaccine equality.  Ang mga ito umano ay adbokasiya niya at patuloy niya itong ipaglalaban.

Naging kontrobersyal ang kampanya ni Roque na maging bahagi ng ILC nang bansagan siyang “war criminal” ng mga militanteng ralyista na nagtipon habang dumadalo siya ng isang function sa New York.

Binatikos si Roque dahil sa koneksyon niya kay Presidente Duterte na kilala naman sa kanyang pakikipaglaban sa ilegal na droga

Continue Reading