Connect with us

National News

Harry Roque, Inutusang i-detain matapos muling ma-Cite in Contempt ng House Quad Committee

Published

on

Harry Roque during the House of Representatives Quad-Committee photo

Muling na cite in contempt ng Quad Committee ng House of Representatives si dating Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang ikalawang pagkakataong hindi niya pagsunod sa utos na magsumite ng mga dokumento ayon sa subpoena.

Ngayong araw Huwebes, Setyembre 12, 2024, nagdesisyon ang komite na i-contempt si Roque at ipag-utos ang kaniyang detention. Ang Quad Committee, na binubuo ng mga House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ay nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga isyu kaugnay ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) at iba pang usapin.

Ang hakbang na ito ay ginawa matapos magmosyon si Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores na ihold si Roque in contempt dahil sa hindi pagsunod sa utos na magsumite ng mga dokumento tulad ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Agad namang inaprubahan ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, chair ng Quad Committee, ang mosyon, na nag-udyok sa detensiyon ni Roque hanggang siya’y mag-comply o hanggang matapos ang Committee hearing.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naharap si Roque sa ganitong aksyon mula sa komite. Noong nakaraang buwan lamang, siya’y napiit ng 24 oras dahil umano’y sa pamemeke ng dahilan para hindi makadalo sa nasabing pagdinig.

Gayunpaman, paulit-ulit niyang iginiit na wala siyang koneksyon sa mga operasyon ng POGO at sinisi ang komite dahil umano’y may motibong pampulitika ang kanilang mga hakbang.

Ayon kay Roque, “The actions of the committee are politically motivated.”

Ang patuloy na imbestigasyon at pagkilos ng komite ay naglalarawan sa mainit na kalakaran ng kasalukuyang sitwasyon ukol sa POGOs at iba pang political dynamics sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang detensiyon ni Roque ay nagpapakita ng determinasyon ng komite na ipatupad ang pagsunod sa kanilang proseso ng imbestigasyon. Sa kabila nito, nananatiling matatag si Roque sa pagdepensa sa kanyang sarili at patuloy niyang kinukuwestiyon ang mga aksyon laban sa kanya.

Photo: House of Representatives of the Philippines Facebook page