National News
HAZARD PAY AT ALLOWANCES SA MGA MEDICAL FRONTLINERS, APRUBADO NA NI PANGULONG DUTERTE
Makakatanggap na ng hazard pay at special risk allowance ang mga medical frontliners sa COVID-19 matapos pirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang dalawang mga administrative orders (AOs) para sa additional pay ng mga medical frontline workers.
P3,000 kada-buwan ang pwedeng matanggap ng lahat ng mga human resource for health o ang mga medical, allied medical , at iba pang mga personnel sa public sector na involved sa national health care response para mapigilan ang transmission ng COVID-19. Ito ang nakalagay sa AO number 35 na nagbibigay ng active hazard duty pay sa nasabing mga empleyado.
Samantala hindi naman hihigit sa P5,000 kada-buwan ang matatanggap na special risk allowance ng mga public at private health workers na direktang nag-aalaga sa mga COVID-19 patients sa ilalim ng AO number 36.