National News
“Hidilyn Diaz Bill”, pasado na sa House Tax Committee
Inaprubahan na sa House Tax Committee hearing ang panukalang batas na magbibigay ng tax exemptions sa mga donasyon sa mga atletang Pinoy na sumasabak sa international sports competitions.
Ayon kay House Ways and Means Chair Joey Salceda, kasama panukala ang planong bigyan ng tax exemptions ang mga donasyon mula isang taon bago ang araw ng kanilang kompetisyon upang mabigyan ng nararapat na suporta ang mga atletang Pinoy na kumakatawan sa Pilipinas sa labas ng bansa.
Bibigyan din umano ng tax exemption pati lahat ng donasyon sa Philippine Sports Commission #PSC at Philippine Olympic Committee #POC.
The approach is to incentivize not the prize, but the preparation. Champions are not made overnight,” ayon kay Salcedo.
Ipinangalan ang panukalang batas sa kauna-unahang Pilipino na nag-uwi ng gintong medalya sa Olympic Games na si Hidilyn Diaz.
Si Diaz ang naging kampeon sa Women’s weightlifting event sa 2020 Tokyo Olympics.
Ayon pa kay Salceda nais niyang ipangalan din ito kay two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na kamakailan lang ay bumasag ng Philippine medal-drought para sa male events sa #Olympics