National News
Higit 7000 stranded na mga OFWs ang papauwiin ngayong buwan-DFA
May kabuuang 7,060 na stranded Overseas Filipino Workers ang maipapauwi ngayong buwan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, habang patuloy ang gobyerno sa pag-intensify ng border restriction para makurba ang pagkalat ng Delta variant sa bansa.
Ayon sa DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola na ang kabuuang 4,260 ay papauwiin sa pamamagitan ng mga flights na charted ng DFA at ang 2,800 naman ay sa pamamagitan ng Bayanihan flights, sa kabila nito susundin pa din ng gobyerno ang 2,000 passenger cap, at ang limitation ng mga quarantine facilities.
“Ang dahilan po talaga na nahihirapan po talaga tayo na magpauwi ng mabilis is that mayroon po tayong daily passenger cap by the IATF, 2,000 lang po ang puwedeng pauwiin every day. So, conflicting interest po iyan, kung saan-saang bahagi talaga ng mundo maraming stranded at limitations po ng quarantine facilities,” sabi na Arriola sa isang public briefing.
We just have to remember po na sampu ngayon ang nasa restricted countries. Sa sampung countries po na iyon, lahat po ng uuwi, regardless kung nabakunahan sila o hindi, they have to have a 14-day strict quarantine ‘no, facility-base quarantine,” dagdag niya.
Simula ng Pebrero 2020, ang DFA ay nakapag-repatriate na ng kabuuang 408,911 overseas Filipinos. Sa kabuuan, 105,607 ay mga sea-based workers at ang 303,304 ay land-based.
Ayon kay Arriola na ang mga may medical issues, may mga anak, at ang mga nasa latter stage of pregnancy ay binigyan ng prioridad.
“More than half are those whose contracts have expired and their visas have expired and they have no other means to renew their visas,” sabi nya.
Sa kasalukuyan, ang Philippine government ay pinagbabawal ang entry of travelers galing sa mga bansa ng India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia, at Thailand hanggang Agosto 15.
Source: ABSCBN