Connect with us

National News

Higit kalahating milyong trabaho, nalikha ng sektor ng agrikultura nitong Disyembre

Published

on

PHOTO: Presidential Communications Office

Nakapaglikha ng mahigit kalahating milyong trabaho sa bansa ang sektor ng agrikultura base sa employment rate data nitong Disyembre.

Inihayag ni Socioeconomic planning Undersecretary Rosemarie Edillon sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado na tumaas ang labor force participation sa bansa sa nitong Disyembre 2023.

“Iyong pinakamalaking job creation ay sa industry – almost 900,000 po iyong sa industry; followed by agriculture mga lampas 500,000 iyon; and then iyong sa services mga 100,000,” saad ni Edillon ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“So, this is exactly the kind of profile na we want na mas marami talaga iyong manggagaling sa industry,” ipinunto nito.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) December 2023 Labor Force Survey, nakapagtala ang agriculture at industry sector ng 24.4% at 18.3% trabaho.

Ang sektor ng agrikultura at forestry ang top five sub-sectors pagdating sa taunang pagtaas ng numero ng mga indibidwal na may trabaho nitong Disyembre 2023 na umaabot sa 715,000 employment.

Nasa 777,000 ang sa construction; 498,000 sa accommodation at food service activities; 174,000 transportation at storage; at 140,000 human health at social work activities.

Pagdating naman sa buwan-buwan na pagbabago ng bilang ng mga taong may trabaho noong Disyembre 2023, ang agriculture at forestry sektor ay nagtala ng 300,000 mga indibidwal na may trabaho base sa datos ng PSA.