Connect with us

National News

HIGIT P126-M, NAGASTOS NA HALAGA NG MGA PULITIKO SA ONLINE ADS SA BANSA

Published

on

Mahigit P126 million na ang halagang nagastos ng mga pulitiko para sa mga political online ads mula Agosto 2020 batay sa Meta Platforms Inc.

Sinabi ng Meta representative nitong Biyernes sa isang diskusyon na inorganisa ng Legal Network for Truthful Elections (“LENTE”) na nakarekord ang Facebook Ad Library ng kabuoang 69,660 political at electoral ads na nagkakahalaga ng P126,715,758.

Ang Ad Library ay isang searchable database ng Facebook na ginagamit ng mga grupo o election regulators para makita kung anong ads ang umiikot o ginagamit sa social media sa kasagsagan ng election period at kung magkano ang halaga ng ginagastos ng mga kandidato at partido.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinagbawal ng COMELEC sa mga kandidato ang paggamit ng microtargeting tactics sa mga botante online sa ilalim ng Resolution No. 10730.

Nagbabala rin ang Comelec na ang mga impormasyon na nakasaad sa mga online campaign ads ay dapat makatotohanan at hindi misleading.

Nakikipag-ugnayan na ang Meta sa Comelec kaugnay sa mga kandidato at partidong gumagamit ng mga online ads.