Connect with us

COVID-19

Hindi na ibabahagi ng DOH ang COVID-19 bulletin sa kanilang social media simula Enero 1, 2022

Published

on

Covid19 data

Simula Enero 1, 2022, hindi na mag-popost sa social media ang Department of Health (DOH) patungkol sa mga daily COVID-19 bulletins.

Ibabahagi ng department ang mga updates sa daily case sa kanilang website. Ayon sa kanila, ito’y para ma-streamline ang public communication.

“The public tracker, which has been operational since the start of the pandemic, contains all information being provided in the case bulletin and daily situation report,” sinabi ng DOH sa isang advisory, batay sa ulat ng PhilStar.

“Hence, to streamline public communication, the case bulletin and the daily situation report will no longer be issued separately as social media card and as PDF file, respectively,” dagdag nito.

Ang daily bulletin ay naglalaman ng mga latest impormasyon patungkol sa mga new infections, fatalities, recoveries, active cases, positivity rate, at healthcare utilization; kung saan pinopost ito ng DOH sa kanilang social media pages at Viber community.

“This move is a mistake”

May ilang mga senador na hindi sumasang-ayon sa desisyon ng DOH, nanguna dito si Senate President Vicente Sotto III na nag-aalala na bakit babawasan ang avenues para sa information dissemination sa gitna ng Omicron variant at pagtaas ng kaso.

Batay sa isang tweet report ng The STAR, sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang galaw na ito ay “a mistake.”

“Whether it is decreasing or increasing it is the right of the people to know this and be informed about it,” aniya.

Samantala, para kay Sen. Joel Villanueva, ang daily bulletin ay isang paalala para sa publiko na hindi pa tapos ang pandemiya at kailangang patuloy pa ring maging maingat at sumunod sa mga safety protocols.

Habang sinabi ni Sen. Francis Pangilinan na kailangan ng accurate na impormasyon patungkol sa pandemiya.

“It is crucial in knowing whether or not the spread of the virus is being effectively addressed or not.”

Binigyan ng diin naman ni Sen. Richard Gordon, chair ng Philippine Red Cross na dapat maraming ginagamit na avenue ang department upang maibahagi nila sa publiko ang impormasyon patungkol sa pandemiya.

Noong Lunes, may naitalang 318 bagong kasong Covid-19 ang DOH, kung saan ang kabuuang bilang ng infections ay nasa 2,838,792. Sa bilang na ito, 0.3% lamang ang active.

(PhilStar)

Continue Reading