Connect with us

National News

Hindi pagtupad sa pangako ng mga bakuna para sa DFA staff, ikinagalit ni Locsin

Published

on

DFA Moderna Vaccine

Nabigong matupad ng national government ang kanilang pangako na 30,000 doses ng COVID-19 vaccine galing Moderna para sa mga personnel ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ito’y kinagalit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Ang top diplomat ng bansa ay dinala sa twitter ang kaniyang sama ng loob, at sinasabi na ang pagkabigong pag allocate ng mga vaccine doses ay nagbigay sa kaniya ng kahihiyan sa kaniyang mga katauhan.

“I was promised 30,000 Moderna for my people and the diplomatic corps. My people who are frontliners. I don’t know where the f**k that went, but words cannot express my embarrassment and anger. No one endangers my people. No one,” ayon sa tweet ni Locsin noong Linggo.

“We’re dying from overwork and overexposure to COVID, hardly getting help except from [Labor Secretary] Bebot Bello — I’ll kiss when I see him — and no vaccines for DFA and diplomatic corps because we are frontline but not essential enough,” sabi pa niya sa isang tweet.

Ayon sa foreign affairs chief, marami sa mga DFA personnel ang mga frontliner na tumutulong sa libong libong mga tao mula sa kanilang mga passport application hanggang sa mga repatriation efforts.

“People don’t realize that government workers keep our country going – across administrations and regardless of politics,” sabi ni Locsin.

Sa hiwalay na tweet, pinasalamatan ni Locsin ang mga local government units (LGUs) ng Makati, Muntinlupa at Pasay, na kung saan andoon ang ilang office ng nasabing departamento, at dahil sa pagbakuna sa mga DFA personnel.

“My people are finally getting vaccinated because of the LGUs. Thank GOD for them. We were not choosy about brands. That was what was offered at the time. The point is, it never materialized. Disappointing is an understatement,” he said.

Sa ngayon, lagpas 9 million na ang indibidwal ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Malacañang kahapon.

Ang Pilipinas sa ngayon ay nakatanggap na ng kabuuang 33.8 million doses ng COVID-19 vaccine mula Pebrero.

Source: Inquirer.Net