Connect with us

National News

Hotel ‘Staycation’ pwede na sa GCQ areas – DOT

Published

on

Mas ma-eenjoy na ng mga turista ang pagbisita sa lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ngayong payag na ang Inter-Agency Task Force for the Management (IATF) sa “staycation”.

Kabilang ito sa mga hakbang ng Department of Tourism (DOT) para mapalakas ang turismo sa bansa sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon sa DOT, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng ahensiyang payagan na ang staycation. Pero, hindi pa sinabi kung kailan ito maaaring magsimula.

“The DOT will soon issue a Memorandum Circular (MC) on Staycations Under GCQ based on comments and suggestions of the IATF-EID,” pahayag ng DOT.

Ang staycation ay dapat na magtagal sa minimum na overnight stay sa isang DOT-accredited Accommodation Enterprise at maaari lamang payagan ang mga residente sa partikular na lugar at hindi sa labas ng rehiyon.

Lilinawin pa sa memorandum circular kung ilan ang bilang ng guest na pahihintulutang mag-stay sa isang guest room na gagamit ng ancillary services tulad ng mga restaurants at recreation areas.

Binubuo pa ng DOT ang iba pang mga guidelines para sa inaprubahang staycation.