Connect with us

National News

House lawmakers hinimok ang Comelec na i-extend ang voter registration

Published

on

voters registration

Mga miyembro ng leftist Makabayan bloc sa House of Representative nag file ng isang resolution nitong Lunes, Agosto 16, na naguudyok sa Commission on Elections (COMELEC) na ipatuloy ang pagtanggap ng voters application hanggang Oktubre 31.

Ito ay kasunod ng parehong resolution na isinampa ng pitong sendo noong Biyernes Agosto 13, binalaan nila na, milyong mga tao ang mawawalan ng pagkakataong bumoto pag hindi i-extend ang registration deadline.

Sa kasalukuyan ang deadline ay sa Setyembre 30.

Ayon sa Comelec, na-abot na nila ang target number ng first-time voters noong Hunyo palang, ngunit pinapahayag sa data galing Philippine Statistics Authority na ang bilang ng mga botante sa 2022 ay higit pa sa projection ng Comelec.

“The Members of the House of Representatives urge the Commission on Elections to extend the deadline for voters registration until at least October 31, 2021 to deter massive voter disenfranchisement amid the COVID-19 pandemic,” basa sa resolution.

Sina representative Arlene Brosas, France Castro, Eufemia Cullamat, Sarah Elago, Ferdinand Gaite, at Carlos Zarate ang mga signatories sa dokumento na ibingay sa media kahapon.

Sa kanilang appeal, ang mga lockdowns kada buwan dahil sa COVID-19 sa taong 2020 at 2021 ang isang rason na ang pag-extend ng voters registration “is all the more a prudent thing to do” para sa poll body.

Sa Pilipinas, ang voters registration ay automatically suspended sa mga lugar na nasa ilalim ng enhance community quarantine (ECQ) at modified ECQ- ang dalawang pinakamahigpit na lockdown sa ilalim ng Duterte administration.

Punto rin ng mga mambabatas na ang mga qualified voter applicants ay nahihirapan sa pagregister sa parating na deadline.

“Among the reported concerns are limited registration slots offered by local Comelec offices or local governments, ineffective registration sites due to various factors such as, but not limited to, sudden or scheduled registration early cutoff because of crashing or down online voter registration system and long lines due to staff shortage,” dagdag ng resolution.

Pareho ang House representatives at mga senador nagsabi na 13.3 million unregistered voters ang mapapagkaitan ng kanilang karapatang bumoto.

Noong Hunyo, ayon sa Comelec, naabot na nila ang target na apat na milyong first-time voters, mula sa 60 million na elligible ng ibigay ang kanilang balota sa taong 2022. Ngunit, ang projected voting population ng PSA para sa 2022 polls ay umaabot sa 73.3 million- malayo sa projection ng Comelec na 61 million registered voters.

Ayon sa mga mambabatas, noong nakaraan, nagawa naman ng Comelec na magtakda ng voters registration deadlines, at binahagi rin nila na may sapat na oras pa sila para makapaghanda sa kanilang final list ng mga botante.

Ang paghahanda ng voter rolls at precincts, at pag print ng ballots ay kasama sa mga dahilan ng Comelec kung bakit mahihirapan sila sa paglipat ng deadline.

“The Comelec listens to the public’s clamor for an extension. Just to inform everyone, the commission en banc is gathering inputs and comments from various departments, working committees, and field offices on the matter,” Arabe said.

“Our commission en banc will take into consideration these appeals for extension vis-a-vis our timeline for the preparations for the elections,” she added.

Ang tawag sa extension ay nagpapakita kung paano ginawing kumplikado ng pandemya ang paghahanda ng poll body para sa May 9, 2022 vote.

Sinugurado naman ng Comelec na mapapatuloy ang 2022 polls at may kakayahan silang magsagawa ng safe elections sa kabila ng pandemya.

Source: Rappler