National News
‘PDA’ SA MGA MAG-JOWA, IPINAGBABAWAL NG PNP DAHIL SA PAGSIPA NG KASO NG COVID-19
IPINAGBABAWAL muna ng Philippine National Police (PNP) ang public display of affection (PDA) sa mga magkasintahan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Batay kay PNP Spokesperson Ildebrandi Usana ngayong Martes, mas papaigtingin pa nila ang pagbabantay at sisitahin nito ang mga nag-PPDA.
Ayon sa pulisya sakop nito ang pag-kiss, holding hands at pagyakap sa publiko.
“Yung public display of affection, kasama rin po ‘yan kasi alam naman po natin dahil nag-open for a while ang economy, marami pong namamasyal, marami pong mga tao na sadya talagang na-miss nila ang kanilang pagsasamahan. At of course, yung mga young professionals, it appears na sila po ang mataas ang bilang ng mga nahawahan nitong last week,” pahayag ni Usana.
“We might probably as well advise them na medyo hinay-hinay pa rin ang kanilang exposure,” paalala pa nito.
Paalala ng pulisya, bawal ang PDA sa mag-jowa, kamag-anak at mga magkaibigan.
Mababatid na sunod-sunod nang nakapagtala ang Department of Helath ng mahigit 3,000 dagdag-kaso ng COVID-19.