Connect with us

National News

IATF, PINAYAGAN NG MAKAPASOK ANG MGA BALIKBAYAN, FOREIGN SPOUSES SA PILIPINAS

Published

on

Puwede ng makapasok sa Pilipinas ang mga Pinoy balikbayan kasama na ang kanilang mga foreigner na asawa at mga anak simula sa Disyembre 7.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, in-aprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectiois Diseases ang pagpasok sa bansa ng mga Filipino citizens na magbyahe kasama ang kanilang foreign spouses at mga anak kahit pa anong edad.

Pwede rin na makauwi sa bansa ang mga dating Filipino citizen kasama ang kanilang asawa at mga anak.

Ang pag-uwi sa bansa ng mga nasabing individual ay base sa kondisyon ng visa-free entry sa ilalim ng Executive Order No.408, series of 1960.

Pero kailangan na meron na silang pre-booked quarantine facility at pre-booked COVID-19 testing sa laboratory na makukuha sa airport.