National News
IBC-13 nais gamitin bilang Educational Channel sa distant learning ng DepEd – PCOO
Handang ipagamit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang IBC-13 para magsilbing educational channel sa pagpapatupad ng distant learning ng Department of Education (DepEd) sa gitna ng “new normal”.
Ang naturang government media ang nakikita umanong mas magiging epektibong “educational channel” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar sa isinagawang virtual hearing ng House Committee on Basic Education.
Aniya, para maabot ang Region 3 at Region 4-A bukod sa Metro Manila, kailangan lamang palakasin ang frequency nito.
Batay naman kay House Committee on Higher Education Chair Mark Go, suportado nito ang pagbibigay ng pondo sa IBC-13 para sa pag-aayos ng naturang tower.
Dagdag pa ni Andanar, nasa 600, 000 hanggang P1-million per kilowatt ang posibleng magagastos, kaya inaasahang kakailanganin umano ang 50 million pesos upang maitaas ito sa 50 kilowatt.