National News
IBP, NANGAKONG PUPROTEKTAHAN ANG KARAPATAN NG MGA MEDICAL FRONTLINERS
Nangako ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na puprotektahan nila ang karapatan ng mga frontliners at iba pang mga health workers kaugnay sa mga balita na nakakaranas umano sila ng mga diskriminasyon.
“Filipino lawyers continue to commend and support our healthcare professionals and all the public servants and private volunteers working relentlessly to contain the pandemic,” pahayag ng presidente ng IBP na si Domingo Egon Cayosa.
Tiniyak din umano ni Cayosa na kanilang pangangalagaan ang karapatan ng mga frontliners at puprotektahan sila laban sa mga mga hindi patas na pagtrato at mga kaapihan.
Naglabas ng pahayag si Cayosa matapos mabalitaan na ang mga frontliners, pati na ang mga pasyenteng may coronavirus disease (COVID-19) ay nakararanas ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon tulad ng hindi pagpapasakay sa kanila sa mga pampublikong sasakyan, pagbabawal sa kanila na pumasok sa boarding house, at pagtangging i-admit sila sa mga ospital.
“We should not succumb to fear or panic that diminishes our humanity as well as our support and compassion for the victims and front liners in the health emergency,” panawagan ni Cayosa.
Dagdag pa niya, nararapat lamang umano na sumunod tayo sa mga precaucionary measures ngunit dapat siguruhin na ang mga iyon ay nasa rason at walang nilalabag na batas.
Sinabi ng opisyal ng IBP na ang Magna Carta of Patients Rights and Obligations, Magna Carta of Public Health Workers, at iba pang mga batas at regulasyon ay nananatiling “effective and must temper and guide the actions and initiatives of everyone.”
Pinayuhan pa ni Cayosa ang publiko na makipagtulungan sa pagsisikap ng gobyerno na sawatain ang pagkalat ng COVID-19.
“We urge our countrymen to fully cooperate, rather than discriminate, show benevolence, rather than bias, increase help, not hype,” ani Cayosa.
BASAHIN | ‘DO-IT-YOURSELF’ PPES NG MGA EMPLEYADO NG PROV’L GOV’T AT VOLUNTEERS, IPINAMAHAGI SA MGA MEDICAL FRONTLINERS
Source: Manila Bulletin