Connect with us

National News

IISANG TRAVEL PROTOCOLS SA LGUs INAPRUBAHAN NA NG IATF; QUARANTINE HINDI NA KAILANGAN

Published

on

Image: PTV

INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang uniform travel protocols para sa local government units (LGUs) sa buong bansa.

Ayon sa Malakanyang, para sa local travel, hindi na kinakailangang sumailalim pa sa RT-PCR test maliban na lamang kung ire-require ito ng LGU.

Hindi na rin mandatory ang 14-day quarantine sa mga byahero maliban na lang kung nagpapakita ito ng sintomas ng COVID-19. 

Maging ang health certificates at travel authority ay hindi na kinakailangan sa pagbyahe. 

“Authorities shall continue to strictly implement the minimum public health standards, such as physical distancing, hand hygiene, cough etiquette, and wearing of face masks and face shields across all settings,” pahayag ni Roque.

“Clinical and exposure assessment shall be strictly implemented in all ports of entry and exit while health assessment of passengers, supervised by medical doctors, shall be mandatory upon entry in the port/terminal and exit at point of destination,” dagdag pa ng opisyal.